Skip to content

Forum ng komunidad

Dito tayo mag-usap, magbahagi, at magtulungan para sa kaligtasan ng bawat tao.

laman ng aking go b...
 
Notifications
Clear all

laman ng aking go bag

1 Posts
1 Users
0 Reactions
9 Views
(@francescaatienza)
New Member
Joined: 2 months ago
Posts: 1
Topic starter  

Ang go bag ko para sa Taal ay may mga simpleng gamit na kailangan kapag biglang lumikas. May lamang kopya ng mga importanteng dokumento, kaunting pera, at listahan ng emergency contacts. Mayroon ding face mask para sa abo, alcohol, at wet wipes. Naglagay ako ng tubig at madaling kainin na pagkain para tumagal ng ilang araw. May first aid kit at mga personal na gamot din. Naka-pack din ang extra damit, jacket, at tuwalya. Para sa emergency, may flashlight, powerbank, at charger. May basic toiletries tulad ng toothbrush, toothpaste, at tissue. Lahat ng ito ay nasa isang bag na madaling dalhin kung sakaling may abiso ng paglikas.



   
Quote

Taal Alert Level Status: Alert Level - 1 (Bahagyang aktibidad)